(File photo)
Bumaba ang reproduction rate o antas ng hawahan ng virus sa Metro Manila sa kabila ng mataas na COVID-19 cases na naitatala sa Pilipinas.
Sa pagtataya ng Octa Research Group, umabot na lang sa 1.43 ang reproduction rate ng COVID-19 nitong August 31 mula sa 1.56 noong August 24.
Sinabi pa ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na bumaba ang reproduction number sa Quezon City sa 1.27 habang 1.33 naman sa Maynila.
Dahil dito ay idinagdag pa ni David na posible pang bumaba ang reproduction rate sa National Capital Region sa susunod na tatlong linggo.
“At this rate, reproduction number in the NCR (National Capital Region) may decrease to less than 1 in three weeks, ” sabi pa ni David.
Matatandaang umabot sa mahigit na 20,000 ang kaso ng Covid-19 na naitala noong August 30.
(Toni Tambong)
The post OCTA RESEARCH: COVID-19 REPRODUCTION RATE SA NCR, BUMABA appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments