Lumabas sa pag-aaral na mas produktibo ang mga empleyado sa buong bansa sa ipinatutupad na alternative working arrangement sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Civil Service Commission (CSC) Commissioner Aileen Lizada na base sa isinagawang survey ng Development Academy of the Philippines, lumalabas na 14 porsyento ng mga Pilipino ang 100 percent nakagagawa ng kanilang trabaho habang nasa alternative working arrangement.
Naitala naman ang 46 porsyento na nakakukumpleto ng 90 hanggang 100 percent ng kanilang trabaho habang 33 percent ang nakatatapos ng trabaho ng 50 hanggang 89 porsyento.
Pitong porsyento naman ang nagsabing ‘less than’ 50 porsyento nilang natatapos ang kanilang trabaho.
“Majority of managers and subordinates agreed that employees deliver quality and effective work on time,” pahayag ni Lizada.
Marami rin ang nagsasabing ‘productive’ sila sa kanilang pagtatrabaho, pero hindi naman maaalis ang ilang mga problemang kinahaharap sa ganitong setup.
Kabilang na rito ang problema sa internet connectivity, epektibong sistema ng komunikasyon sa pagbibigay ng impormasyon at panuto, at pagkakaroon ng mga kagamitan para rito.
Kasama sa uri ng ipinatutupad na alternative work arrangements ay ang flexible working hours, compressed work week, pagbabawas ng iskedyul, at job sharing.
(Toni Tambong)
The post MGA PINOY MAS PRODUKTIBO SA WORK FROM HOME SET-UP appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments