MALAKANYANG, ITINANGGING NA-IMPLUWENSYAHAN NI MICHAEL YANG SA PAGBILI NG KONTROBERSYAL NA COVID-19 SUPPLIES

Itinanggi ng Malakanyang na naimpluwensyahan ang gobyerno ni Michael Yang, ang Davao-based businessman na umano’y may koneksyon sa kumpanyang  Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Kaugnay pa rin ito sa pagbili ng gobyerno ng bilyong-bilyong halaga ng medical supplies para sa Covid-19 response.

Ang Pharmally ay ang sinasabing local company na ngayon ay nasa ilalim ng pagbusisi ng Senado dahil sa umano’y overpricing.

Ayon kay  Presidential spokesman Harry Roque, pumasok sa isang kasunduan ang gobyerno sa Pharmally dahil ito ang nagbigay ng reasonable price ng personal protective equipment (PPE) kumpara sa ibang kumpanya.

“Sa presyo ang labanan, kahit sino ka man ,” ayon kay Roque.

Ayon pa kay Roque,  alam niya  o mayroon siyang “personal knowledge” na ang Pharmally ang may “best offer” kumpara sa ibang kumpanya.

“Wala pong kinalaman ang mga personalidad. Ang tinitingnan, presyo tsaka ang kalidad,” dagdag pa ni Roque.

Iginiit din niya na walang ebidensya ng “overpricing” dahil kung magkaganun ay walang mangyayaring  Senate investigation.

Pero amindo si Roque na kung hindi dahil sa “emergency purposes,” ay posibleng ma-disqualify ang  Filipino-based Pharmally dahil sa “limited background” nito.

Ang Pharmally ang nakakuha ng P3.8 billion na kontrata sa pagbili ng PPE ng gobyerno.

“[These were] procured under the emergency bidding provisions of the Bayanihan 1 (Bayanihan to Heal as One). Maybe if it was regular bidding, there would be disqualification on the basis of requirements on how big the company has to be,” sabi pa ni Roque.

Noong nakaraang Martes, ipinagtanggol pa ni Pangulong Duterte si Michael  Yang, ang kanyang dating economic adviser.

Ayon sa pangulo, “He (Yang)  was not a Chinese who he is collecting money from.”

Samantala, sinabi naman ni Senator Ping Lacson na “price matters”.

Saklaw nito ang lahat ng mga item na binibili ng gobyerno gamit ang pera ng taumbayan.

At malaking bagay ang presyo ng mga produkto lalo na ngayong  may overpricing umano ng medical supplies sangkot ang bilyong piso na pera ng mga Pilipino.

Ito ay sa gitna ng pandemya kung saan milyong-milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

“If we cannot see what is wrong with that – or worse, try to divert public attention from the issue – then certainly we are a ruined nation,” sabi pa ni Lacson .

The post MALAKANYANG, ITINANGGING NA-IMPLUWENSYAHAN NI MICHAEL YANG SA PAGBILI NG KONTROBERSYAL NA COVID-19 SUPPLIES appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments