BARGAIN  NA CHRISTMAS DECOR, MABIBILI SA DIVISORIA

(Photos: Christian Heramis)

Makukulay na Christmas decors ang sasalubong sa mga mamimili sa bangketa ng Tabora sa Divisoria Maynila ngayong pumasok na ang BER months.

Maraming disenyo ang makikita na pwedeng pagpilian na swak sa budget.

Makabibili ng sari-saring pang-dsiplay gaya ng Miniature Santa Clause hanggang sa pinakamalaking size sa halagang P100 hanggang P1,500.

Sa kabila ng pandemya, patok at maganda pa rin ang pagbenbenta ng mga Christmas Decor dahil nagsisimula na sa pag-aayos ng kani-kanilang mga tahanan ang mga pinoy bilang paghahanda sa darating na Pasko.

The post BARGAIN  NA CHRISTMAS DECOR, MABIBILI SA DIVISORIA appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments