Bahagyang bumaba nang mahigit sa 700 ang kaso ng Covid-19 ngayong araw, September 5, kumpara kahapon.
Ayon sa Department of Health (DOH) mayroong 20,019 na bagong kasong naitala ngayon, kaya naman umakyat na sa 2,080,984. ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa ngayon.
Pero kahit na bumaba ang kaso ngayon, eto pa rin ang ikatlong araw na magkakasunod na nasa mahigit 20,000 ang kaso ng nahawahan ng virus sa bansa.
Mayroon namang naitalang 20,089 na gumaling ngayon kaya umakyat na rin 1,889,312 o 90.8% ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.6% o 157,438 ang aktibong kaso at 1.65% (34,234) ang namatay. Ngayong araw, mayroong 173 na pumanaw.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 3, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang mga kaso ng COVID-19. Ang pagsunod sa minimum public health standards, pagsasagawa ng PDITR strategies at ang pagbabakuna ay nanatiling pinakamabisang depensa sa COVID-19.
Mahalaga rin na mag-isolate at makipag-ugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapa-test ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.
Ayon pa rin sa datos ng DOH, mayroong naitalang positivity rate na 27.5% base sa 73.472 na tests na naiulat noong September 3.
Ibig sabihin umano nito, isa sa bawat 4 na tao na nagpa-test ay nagpositibo sa coronavirus.
Samantala, nagtakda naman ang World health Organization ng standard positivity rate, kung saan ang below 5% na positivity rate ay nagpapakita na ang impeksyon ay kontrolado na.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site ng DOH: www.doh.gov.ph/covid19tracker.

The post KASO NG COVID-19 NGAYONG ARAW, MAHIGIT 20,000 PA RIN SA IKATLONG MAGKAKASUNOD NA ARAW appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments