Manila Ocean Park, bukas na ulit

(Photo: Dong Del Mundo)

Muli nang binuksan sa publiko ang Manila Ocean Park  sa Maynila kasunod ng pagpapagaan sa mga restriction at Alert Level sa National Capital Region (NCR).

Pinangunahan ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna ang re-opening ng Manila Ocean Park ngayong Huwebes, Oct. 21.

Sinabi ng bise alkalde na ang muling pagbubukas ng tourist attraction ay maaring humantong sa pagbuo ng mga trabaho at pagbawi ng ekonomiya ng kabisera ng bansa.

Maaalalala na pansamantalang  isinara ang pasyalang ito sa publiko dahil na rin sa banta ng COVID-19 .

Ito ngayon ay bukas mula Huwebes hanggang Linggo alas 10 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi.

Pero tanging ang mga bakunado o nakakumpleto lamang ng bakuna laban sa COVID-19 ang papayagang makapasok.

Kabilang rito ang edad 18 hanggang 65 taong gulang, habang ang mga bata ay nanatiling bawal pa sa Manila Ocean Park.

(Jocelyn D0menden)

The post Manila Ocean Park, bukas na ulit appeared first on News Patrol.



Manila Ocean Park, bukas na ulit
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments