Cardinal Tagle, pangungunahan ang beatification ceremony ni Venerable Pauline Marie Jaricot

(Photo credit: catholictradition.org)

Itinalaga  ni Pope Francis si Luis Antonio Cardinal Tagle, Prefect ng Congregation for Evangelization of Peoples, na pangunahan ang beatification ceremony ni Venerable Pauline Marie Jaricot.

Ayon kay Father Brian Lucas, National Director ng Catholic Mission, nakatakda ang beatification sa May 22, 2022.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng ika-200 anibersaryo ng pagkakatatag ng Society for the Propagation of the Faith.

Kauna-unahang Filipino si Cardinal Tagle na mangunguna sa beatification ceremony.

Ayon sa report, itinalaga ni Pope Francis si Cardinal Tagle sapagkat ito ang namumuno sa tanggapan ng Propaganda Fidei kung saan nasasakop ang Pontifical Society for the Propagation of the Faith ni Pauline Marie Jaricot.

Si Jaricot  ay ipinanganak sa Lyon France noong July 22, 1799 at pumanaw noong January 9, 1862.

Kilala si Jaricot bilang foundress ng Catholic Mission, isang pandaigdigang organisasyon na sumusuporta sa mga gawain ng Catholic missionaries.

January 25, 1963 naman nang idineklarang venerable sa pamamagitan ni Pope John XXIII si Jaricot na dalawang hakbang mula sa pagiging santo ng simbahan.

Mayo 26, 2020 nang ipinag-utos ni Pope Francis ang pagproklama ng Decree para sa himalang iniugnay sa tulong ni Jaricot kaya naiangat na siya para ma-beatify na isang hakbang na lang para maging ganap na mapasama sa listahan ng mga santo o ang Roman Martyrology.

Ang beatification process na pinangasiwaan ng Congregation for the Causes of Saints ng Vatican ang nagsagawa ng komprehensibong pag-aaral bago italagang ‘Blessed’ ang isang tapat na alagad ng simbahan.

(Jocelyn Domenden)

The post Cardinal Tagle, pangungunahan ang beatification ceremony ni Venerable Pauline Marie Jaricot appeared first on News Patrol.



Cardinal Tagle, pangungunahan ang beatification ceremony ni Venerable Pauline Marie Jaricot
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments