Posibleng ibaba na sa mas maluwag na Alert Level 2 ang Metro Manila kung patuloy na bababa ang COVID-19 cases ngayong linggo, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Huwebes.
Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, ang NCR ay nakararanas ngayon ng seven-day average new daily cases na 1,156.
“Before the increase in cases last March and April, we were just averaging in NCR less than 500 a day. So I think that will be a comfortable number,” ayon kay Vergeire sa panayam ng CNN Philippines.
“If this number continues to decline, it is very possible that we can be deescalated in the coming weeks,” sabi pa ni Vergeire.
Sabi pa ni Vergeire, ang COVID-19 situation sa bansa ay dahil na rin sa mas pinaigting na pagpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate o PDITR strategy ng gobyerno, pati na rin ang malaking bilang ng mga nabakunahan na sa National Capital Region.
Bumababa na rin ang hospital admissions sa bansa.
Ang ICU naman ay nananatiling nasa 70% utilization rate dahil mas matagal ang recovery ng may severe at critical cases bago pa sila makalabas ng ospital.
Lowest in 3 months
Noong Miyerkules, October 20 ay nagtala ang Department of Health ng 3,656 na bagong kaso ng COVID-19, ang pinakamababang infection numbers sa loob ng tatlong buwan.
Pero ayon kay Vergeire, patuloy naman nilang mino-monitor sa posibleng COVID-19 surge ang Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Zamboanga Peninsula.
Lumabas naman sa datos ng COVID-19 watchdog na OCTA Research ngayong Huwebes, October 21, na ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila ay nasa 0.47 na lamang.
Mas mababa ito kaysa unang napaulat na 0.52 noong October 19. Ito naman ang pinakamababang reproduction rate mula noong May.
Ayon pa sa Medical expert, ibig sabihin ng bumababang reproduction number ay nababawasan na rin ang community transmission.
“Hopefully all of us will not be complacent, all of us will work together so we can reach that goal of having the Alert Level 2 in NCR,” dagdag pa ni Vergeire.
Ang Metro Manila ay nasa ilalim ng Alert Level 3 simula pa noong October 16 hanggang 31.
(NP)
The post Alert Level 2 sa NCR, posibleng ipatupad kung patuloy na bababa ang COVID cases, ayon sa DOH appeared first on News Patrol.
Alert Level 2 sa NCR, posibleng ipatupad kung patuloy na bababa ang COVID cases, ayon sa DOH
Source: Trending Filipino News
0 Comments