Ex-US president Trump, maglulunsad ng sariling social media network

Matapos ma-ban sa major social media platforms gaya ng Facebook at Twitter, kinakasa naman ng kampo ni dating U.S. president Donald Trump ang sariling social media network na tatawagin niyang TRUTH Social.

Ayon kay Trump, ito ang platform na maninindigan laban sa “tyranny of big tech” na diumano’y binubusalan ang boses ng mga may taliwas na pananaw sa U.S.

Bukod sa TRUTH Social, plano rin ng Trump Media & Technology Group (TMTG) na pinamumunuan ni Trump, na maglunsad ng subscription video-on-demand service.

Matatandaang na-ban si Trump ng Twitter at Facebook kasunod ng pagsalakay sa U.S. Capitol ng kanyang mga supporter noong Enero ng taong ito.

Pagkababa sa pwesto, sinimulan din ni Trump ang From the Desk of Donald J Trump website na isang blog.

Pero inalis na rin nila ito wala pang isang buwan mula nang ma-launch dahil sa mas malaking bagay na pinaplano nilang gawin, ayon pa sa kampo ni Trump.

(NP/with report from BBC News)

The post Ex-US president Trump, maglulunsad ng sariling social media network appeared first on News Patrol.



Ex-US president Trump, maglulunsad ng sariling social media network
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments