Nakapagtala ng panibagong pagtaas ng COVID-19 infections ang ilang bansa sa Europe, at posible pang lumala ngayong papasok ang taglamig.
Latvia ang unang bansa sa Europe na muling sasailalim sa isang buwan istriktong lockdown dahil sa surge ng COVID-19 cases.
Kung dati, isa ang Latvia sa may pinakamababang bilang ng kaso sa naturang kontinente, ngayon ito ang isa sa may pinakamataas na bilang ng kaso per capita sa buong mundo, ayon sa U.S. Centres for Disease Control and Prevention (CDC).
“Our health system is in danger … The only way out of this crisis is to get vaccinated,” ayon kay Latvian Prime Minister Krišjānis Kariņš.
Ayon sa kanya, problema ang mababang vaccination rate sa bansa kaya tumataas ang hospital admissions.
Pumalo na ang COVID-19 cases sa Latvia sa 241.5 million at 4.91 million naman ang namatay mula nang masimula ang pandemya hanggang October 31, 2021.
Pagtaas ng kaso sa Europe
Iniulat ng World Health Organization (WHO) noong isang linggo na tumaas ng 7% ang COVID-19 cases sa Europe, ang tanging lugar sa mundo na nakapagtala ng paglobo.
Partikular na apektado ang ilang central at eastern European countries kung saan marami pa rin ang ayaw magpabakuna.
Sa Romania at Ukraine, nagkakapunuan na sa mga ospital.
Sa Bulgaria naitala ang pinakamataas na bilang ng namatay, at pinakamataas na bagong kaso sa Slovakia sa loob ng ilang buwan.
Sa Russia, ipinag-utos ang bagong paghihigpit kabilang ang pagbabawal sa mga edad 60 pataas na lumabas ng bahay dahil sa record increase ng kaso.
At ngayong papasok na ang taglamig, tila nagkakaroon ng muling pagsipa ng COVID-19 cases maging sa mga bansa gaya ng United Kingdom at Netherlands sa kabila ng mataas na vaccination rate.
(NP)
The post Ilang bansa sa Europe, may panibagong COVID-19 surge; Latvia, lockdown muli appeared first on News Patrol.
Ilang bansa sa Europe, may panibagong COVID-19 surge; Latvia, lockdown muli
Source: Trending Filipino News
0 Comments