(Photo credit: AP Photo/Kin Cheung)
Kulang sa tulog? At madalas, habang nasa biyahe na lang bumabawi?
Sa Hong Kong, may solusyon na sila diyan sa pamamagitan ng isang bagong konsepto ng bus tour—ang “Sleeping Bus Tour”.
Oo, sasakay ka ng bus na ito para matulog habang binabaybay ang 76 kilometro ng mga kalsada ng Hong Kong sa loob ng limang oras.
Nabuo ng organizer ng Sleeping Bus Tour na Ulu Travel ang konsepto dahil sa isang social media post ng isang taong kulang na kulang sa tulog dahil sa kanyang trabaho. Pero, tuwing nasa bus na siya papunta sa trabaho, doon lang siya nakakatulog at mahibing pa.
At nang i-launch nitong Sabado, Oct. 16, ang unang biyahe ng Sleeping Bus Tour, sold out ang ticket na nagkakahalaga mula $13-51 HK, depende kung sa upper o lower deck sila ng bus uupo.
Ang ibang mga naging pasahero, kanya-kanya pa ng dala ng kanilang mga unan, kumot at mga tsinelas.
(NP/with report from AP)
The post ‘Sleeping Bus Tour’ sa Hong Kong, para sa mga kulang sa tulog appeared first on News Patrol.
‘Sleeping Bus Tour’ sa Hong Kong, para sa mga kulang sa tulog
Source: Trending Filipino News
0 Comments