TATLONG NATIONAL ROAD SARADO DAHIL SA PAGGUHO AT BAHA; MALAKANYANG HANDA SA AYUDA SA MGA BIKTIMA NI BAGYONG JOLINA

(Photo courtesy: Agriultural Training Institute Department)

Tatlong national road section ang sarado sa Cordillera Administrative Region at Eastern Visayas dahil sa pagguho ng lupa at pagbaha dulot ng bayong Jolina.

Batay sa ulat mula sa DPWH Bureau of Maintenance (BOM), ang apektadong mga kalsada sa CAR ang Natonin-Paracelis-Calaccad Road,  Chupac, Kadaclan, Barlig, Mt. Province dahil sa pagguho ng lupa.

Kasalukuyan nang nililinis ng quick response team ang mga apektadong  road section.

Sa Leyte, dalawang kalsada ang sarado dahil sa baha kabilang ang Jaro-Dagami-Burauen-Lapa Road sa Brgy. Canlingga, Dagami Town, at Sto. Rosario-Villaba Road.

Naglagay na rin ng warning signs sa lugar upang maabisuhan ang publiko.

Nakahanda naman ang tauhan ng DPWH sa CAR Regions 4A, 5, 6, 7, 8, 10, at 13 at maging ang mga gagamiting heavy equipment at sasakyan para sa pagresponde  sa posibleng epekto ng bagyong Jolina.

Samantala, handa ang Malakanyang sa pananalasa ng bagyong Jolina kung saan nakaposisyon na ang mga ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na handa na ang evacuation centers at mga ayudang ipamamahagi ng Department of Social Welfare and Development.

Sa kabilang dako, nanawagan naman ang Malakanyang na dapat obserbahin pa rin ang public health standard sa evacuation centers.

(Jocelyn Domenden/Toni Tambong)

The post TATLONG NATIONAL ROAD SARADO DAHIL SA PAGGUHO AT BAHA; MALAKANYANG HANDA SA AYUDA SA MGA BIKTIMA NI BAGYONG JOLINA appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments