Pinag-aaralan ngayon ng National Task Force against COVID-19 ang posibleng pagkakaroon ng ilang araw na botohan kung patuloy na magiging delikado ang sitwasyon dahil sa COVID-19 pandemic, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.
“We have seen the many impacts of the election, we have seen that in the US and India, it further aggravates the situation,” saad ni Galvez sa Kapihan sa Manila Bay forum ngayong Miyerkules.
Sinabi pa ni Galvez na nakikipag-usap na ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at ang National Task Force against COVID-19 (NTF) sa Commission on Election (Comelec) para tingnan ang iba pang paraan para makaiwas sa pagkalat ng virus sa panahon ng halalan.
“We are looking at the possibility that the election will be a multi-day election, not a single-day election so we can prevent the possible conglomeration of thousands of people in the precincts,” sabi pa ni Galvez.
Nakasaad kasi sa Constitution na ang election ay dapat na idaos tuwing ikalawang Lunes ng May, kung kaya’t ang naturang proposal o panukala ay nangangailangan pa ng pag-amyenda ng batas.
“I think we have plenty of time,” sabi naman ni Galvez kung sa kanyang palagay ay kakayanin pa na amyendahan ang batas lalo na at nalalapit na ang eleksyon.
“We will collectively plan this with [the] Comelec and the Senate and Congress.”
Sinabi naman ng Comelec na nag-aalinlangan ito sa pagkakaroon ng dagdag na araw sa 2022 elections dahil na rin sa pandemic, bagkus ay ipinapanukala nila ang pagpapalawig o pag-extend ng voting hours hanggang 12 oras.
Samantala, una nang sinabi ng Comelec noong mga nakaraang araw na buo na ang kanilang desisyon (Comelec) na hindi gagamit ng “multiple days” o maraming araw sa pagboto.
Ayon ito kay Comelec Spokesperson James Jimenez sa Balitaan sa Maynila noong Linggo, August 29.
Ang ginagawang guidelines nila ngayon aniya ay nakatuon sa mas mahabang araw ng botohan.
“Yung mutiple days malabo na po yun, hindi na po tayo pabor doon dahil mas maraming mga issues. Legal issues, security issues and of cource yung acceptability sa mga mamamayan” saad ng Comelec spokesperson.
Sinabi ito ni Jimenez kasunod ng sinasabing gagawing tatlong araw ang botohan para sa May 2022.
Samantala, isang hamon naman aniya pagdating sa badyet para sa mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors (BEIs) dahil ang tantya ngayon na bilang ng polling precint ay mahigit sa 110,000.
Mahirap din aniyang gawing tatlong araw ang botohan dahil lalabas din na tatlong sets ang ilalabas na honoraria para sa mga guro.
“Kaya napaka-challeging ang budget ngayon most especially napaka-drastic ang cut ng budget ngayon” dagdag pa ni Jimenez.
(with reports from Jocelyn Domenden)
The post SEC. GALVEZ: “MULTIPLE DAYS” O ILANG ARAW NA BOTOHAN, PINAG-AARALANG GAWIN SA 2022 ELECTIONS appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments