May dagdag-singil sa liquefied petroleum gas (LPG) ang mga kumpanya ng langis ngayon araw, Miyerkoles, September 1.
Sa abiso ng Petron Corporation, aabot ang dagdag presyo sa LPG ng P0.65 kada kilo at AutoLPG prices ng P0.36 kada kilo.
Ang Solane ay nagpatupad din ng dagdag-singil na P0.64 kada kilo.
Hindi pa nag-aanunsyo ang ibang kumpanya sa dagdag-singil ng LPG.
Ito ang ikatlong linggong magkakasunod na tumaas ang presyo ng LPG.
(Toni Tambong)
The post DAGDAG-SINGIL SA PRESYO NG LPG appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments