Ipadadala na sa Pasay City Jail si Pharmally Pharmaceutical Executive Linconn Ong.
Iniutos ni Senador Richard Gordon na dalhin na sa kulungan si Ong matapos sabihin ni Gordon na nagsisinungaling ito sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong araw.
Matatandaang si Ong ay inilagay sa kostudiya ng Senado noong Martes, September 21 matapos i-contempt ng mga senador dahil sa paiba-iba niyang sagot.
Ang senado ay nagsasagawa ng imbestigasyon ng senado sa paggastos ng Department of Health sa kanilang pondo.
Ngayong araw, sinabi ng isa pang opisyal ng Pharmally na tila na-swindle ng Pharmally ang gobyerno matapos bentahan ng mga substandard na face masks at face shields.
The post PHARMALLY EXECUTIVE LINCONN ONG, IPADADALA NA SA PASAY CITY JAIL appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments