Posibleng gumamit nang pwersa ng militar si Pangulong Rodrigo Duterte para masiguro ang payapang eleksyon sa 2022.
Ito ang sinabi ng pangulo nitong Biyernes, September 24.
Sinabi rin ni Duterte na nais niya ng “peaceful” election kung saan malayang makaboboto ang mga tao at masigurong mabibilang ang kanilang boto.
“No one wants trouble. Nobody wants cheating. Nakikiusap na ako, I’m pleading almost praying that people will really stick to the rule of law and avoid violence,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng bagong Sultan Kudarat Provincial Hospital.
“Kapag hindi, unahan ko na kayo, then I will be forced to use the might of the military, not for any purpose but to see to it that the election is peaceful and violence-free,” dagdag pa ng Pangulo.
“Either we have an election that is free or I will use the military to see that the election is free,” sabi pa ni Duterte.
Ang 2022 national elections ay idaraos sa May 9, 2022.
Ang filing of certificate of candidacy naman ay magsisimula sa October 1 hanggang 8.
Magsisimula naman ang election period sa darating na January 9 hanggang June 8, 2022.
Sa mga panahong ito ay paiiralin ang gun ban.
Ibig sabihin ang pagdadala ng baril o pagbibiyahe ng mga armas at iba pang deadly weapons ay ipinagbabawal, maliban na lang kung otorisado ng Comelec.
Magsisimula naman ang campaign period sa national positions (president, vice president, senator at party-list groups) mula Febuary 8, 2022 hanggang hanggang May 7, 2022.
Samantala ang kampanya naman para sa local positions (representatives member, regional, provincial, city at municipal officers) ay magsisimula sa March 25, 2022 hanggang May 7, 2022.
Mula naman sa April 1, 2022 hanggang May 9, 2022, ay maaaring bumoto sa Philippine embassies, consulates at iba pang lugar na pinapayagan sa overseas absentee voting system.
The post PANG. DUTERTE, NAGBABALANG GAGAMITIN ANG PWERSA NG MILITAR PARA MASIGURO ANG PAYAPANG HALALAN appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments