PASAY ISOLATION FACILITY SA FOLK ARTS THEATER NASA KRITIKAL LEVEL NA

(Photo: Mores Heramis)

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng Covid-19 sa bansa, halos puno na ang mga isolation facility sa  mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Sa Pasay City, dumarami ang mga pasyenteng dinadala sa covid-19 isolation facility sa Folk Arts Theatre.

Ayon sa Pasay Public Information Office nasa kritikal na level na ang naturang pasilidad na mayroon na lamang limang kuwartong bakante sa kasalukyan.

Sa ngayon, mayroong 81 pasyenteng positibo sa covid-19 ang naka-admit dito kung saan 73 pasyente ay mga residente ng siyudad habang ang walo  ay mula naman sa mga karatig lungsod.

Ganito na rin ang sitwasyon sa iba pang isolation facility ng siyudad dahil na rin sa mabilis na pagdating ng mga pasyente na nahahawaan ng covid-19 virus.

Kinumpirma ng World Health Organization (WHO) ang dahilan sa mabilis na pagtaas ng mga kaso ng impeskyon sa Metro Manila at mga karatig probinsya ay ang pagkakaroon na ng community transmission ng Delta variant ng COVID-19.

Sinabi pa ng WHO, ang Delta variant ng COVID-19 ang dominant ngayon base na rin sa mga resulta ng mga isinagawang genome sequencing na sinuri.

Kahapon, Aug. 31, 539 sa 119 barangay sa Pasay City ang isinailalim sa localized enhanced community quarantine (LECQ) dahil sa COVID-19 kung saan tatlo o apat na miyembro ng pamilya ang nahawahan ng virus.

Ayon naman kay Mayor Emi Calixto-Rubiano na sa kabuuang 201 barangay, 158 sa mga ito ang nakapagtala ng nagpositibo at may aktibong kaso ng COVID-19 .

Umabot na sa 2,491 aktibong kaso ang naitatala sa siyudad ngayong Agosto.

(Mores Heramis)

The post PASAY ISOLATION FACILITY SA FOLK ARTS THEATER NASA KRITIKAL LEVEL NA appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments