PAGEANT TOWN WITH JOEE GUILAS | MUPH INTERVIEW CHALLENGE: THE GAME CHANGER

Ganito binansagan ng mga taga-Pageant Town ang naganap na Miss Universe Philippines Interview Challenge, kung saan nagtagisan sa kudaan ang limampung natitira pang kandidata para sa MUPh 2021.  Sa challenge na ito ay nagkaroon din tayo ng pagakataong maging bahagi ng mga panelista na nag-decide sa winners kung kaya’t nasaksihan natin ang galing ng bawat kandidata pati na rin kung gaano ka-patas ang ginagawang pagpili ng Miss Universe Philippines Organization.

Apat ang naging bahagi ng presentasyon ng bawat candidate.  Una ang introduction nila, na sila mismo ang nag-plano ng kanilang mga gusto sabihin. Sumunod ang Q and A round, kung saan tatlo ang mga katanungang kanilang kailangang sagutin.  Dalawang tanong na unique para sa bawat kandidata at isang common question. Lahat ng bahagi ng Interview Challenge ay under time pressure para walang lamangan sa pahabaan ng kudaan.

Marami sa mga kandidata ang nagpakitang-gilas pagdating sa sagutan ng tanong.  Masasabi kong matatalino ang mga Pilipinang nagbabalak katawanin ang bansa sa ika-70th Miss Universe sa Eilat, Israel.  Kabilang sa mga nagpasiklab sa labanan ang mga fan favorite na sina Steffi Aberasturi ng Cebu Province; Maureen Wroblewitz ng Pangasinan; Katrina Dimaranan ng Taguig; at maging ang aktres na si Kisses Delavin.  Pero, sadyang overall impact ang pinagbasehan ng mga hurado sa pagpili nito ng mga challenge winners.  Sino yung mga mahuhusay na sa interview ay charming pa at nagpapaka-totoo lang sa kanilang ipinakitang personalidad sa pakikipag-usap?  Sino yung matalino na, nagpaka-natural pa?  Talagang sa overall delivery nagkatalo ang laban.

Kaya naman, ang mga tinanghal na challenge winners ay sina: Victoria Velasquez Vincent ng Cavite; Maria Ingrid Santamaria ng Paranaque; Ayn Marie Bernos ng San Juan; Isale delos Santos ng Makati; Megan Digal ng Bukidnon; Beatrice Gomez ng Cebu City; at si Simone Bornilla ng Marinduque.

Congratulations po sa mga nagsipagwagi na karamiha’y itinuturing na ngayong dark horse sa kumpetisyon.

The post PAGEANT TOWN WITH JOEE GUILAS | MUPH INTERVIEW CHALLENGE: THE GAME CHANGER appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments