Sa botong 238-Yes, 6-No, 0-Abstention, napagtibay na sa plenaryo ang House Bill 10153 o ang 2022 General Appropriations Bill.
Nagkakahalaga ito ng P5.024 trilyon.
“The President’s certification allowed us to fulfill our commitment to pass the measure before we go on a month-long break so there will be sufficient time to enact the national budget before the year ends,” ani House Speaker Lord Allan Velasco.
Matatandaang sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing panukala ngayong linggo.
Agad na pinasalamatan ni Velasco ang mga kongresista sa masipag na pagtugon upang agad na maipasa ang budget.
“In the end, we have collectively moved to make a difference for our country. Ito ang budget ng bayan, para sa bayan,” ani Velasco.
Samantala, bumuo naman ng small committee ang Mababang Kapulungan na siyang tatanggap ng mga individual amendments sa pambansang pondo.
Hanggang October 5 ang ibinigay na deadline sa mga kongresista para sa pagsusumite ng kanilang mga amyenda sa budget.
Ang small committee ay kinabibilangan ng mga miyembro mula sa mayorya sa pangunguna ni Appropriations Chairman Eric Yap, Appropriations Vice Chair Joey Salceda at Majority Leader Martin Romualdez.
Samantala sa minorya ay kakatawan naman si Marikina Rep. Stella Quimbo habang independent naman si Albay Rep. Edcel Lagman.
(Toni Tambong)
The post Panukalang mahigit na P5-T 2022 budget, lusot na sa kamara appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments