Inilabas ng Malakanyang ang amended guidelines o mga bagong alituntunin sa pilot implementation ng Alert Level 4 sa National Capital Region ngayong Biyernes, Sept. 24.
Sa anunsyo ni Spokesperson Harry Roque, epektibo ito simula October 1 kung sakaling mananatili ang Metro Manila sa Alert Level 4.
Narito ang ilan sa mga binagong guideline:
Ang mga indibidwal ay papayagang makalabas ng kanilang bahay at magsagawa ng outdoor exercises sa loob ng kanilang ‘general area of residence.’
Dati ay pinapayagan lang ang outdoor exercises ng mga residente sa kanilang subdivision o mga barangay.
Ang mga libing at lamay ng nasawi sa COVID-19 kahit ano pa ang community quarantine alert level ay papayagan na.
Dati tanging immediate family lang ang pinapayagang dumalo partikular kung hindi COVID-19 ang ikinasawi.
Lahat ng indoor at outdoor contact sports ay hindi pa rin papayagan.
Ang mga isinasagawang contact sports sa pamamagitan ng “buble” ay papayagan.
Hindi pa rin papayagan ang personal care establishments at home services.
Kasama rito ang aesthetic at cosmetic services o procedures, make-up services, spas, reflexology, aesthetics, wellness at holistic services.
(Toni Tambong)
The post PAGBABAGO SA ALERT LEVEL 4 GUIDELINES SA NCR, INILABAS NA NG MALAKANYANG appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments