COMELEC, POSIBLENG MAGBIGAY NG ISANG LINGGONG EXTENSION SA VOTERS REGISTRATION

Posibleng magbigay lamang ng isang linggong extension ang Commission on Elections (Comelec) para sa voters registration kung igigiit ito ng mga mambabatas.

Ito ang sinabi ni Comelec Chairman Sheriff Abas sa Senado na humihirit ng isang buwang  extension sa voters registration.

Samantala, paliwanag naman ni Director James Jimenez, magiging malaki ang epekto sa trabaho ng Comelec kung pagbibigyan ang extension ng voters’ registration.

Sa ngayon kasi ay naghahanda na rin ang Comelec para masiguro ang maayos na eleksyon sa darating na May 2022 elections.

Sa kabila naman ng pagpapatupad ng lockdown sa Metro Manila at iba pang lugar, sinabi ni Jimenez na nalampasan na ng Comelec ang target nito na 59 milyong botante.

Katunayan, nasa 62 milyon na ang nakapagparehistro sa Comelec at umaasang madaragdagan pa sa natitirang mga araw ng pagpaparehistro.

Una nang ipinaabot sa 2 kapulungan ng Kongreso ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo ang pagiging bukas ng komisyon sa isang  linggong dagdag na panahon sa pagpapa-rehistro ng mga botante

Pero apela naman ni Jimenez, gawin na lamang ang pagpapalawig ng voters registration pagkatapos ng nakatakdang filing ng Certificate of Candidacy ng mga kakandidato sa eleksyon 2022 sa October 1 hanggang October 8.

(Jocelyn Domenden)

The post COMELEC, POSIBLENG MAGBIGAY NG ISANG LINGGONG EXTENSION SA VOTERS REGISTRATION appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments