Walang naitalang namatay dahil sa Covid-19 ngayong araw, Sept. 24, base sa datos ng Dept. Of Health (DOH).
Paliwanag ng DOH, walang naitalang nasawi ngayon dahil sa “technical issues” sa kanilang data system.
Sa ngayon ay inaayos na ng Department of Information and Communications Technology ang problemang sa system ng DOH.
Samantala, sumampang muli sa 18,659 ang karagdagang kaso ng COVID-19 ngayon.
Kaya naman umakyat na sa 2,453,328 ang kabuuang kaso ng nagkakasakit dahil sa virus sa bansa.
Mas mataas naman nang mahigit sa tatlong libo ang kaso ngayon kumpara kahapon na nasa mahigit 15,000 na kaso lamang.
Ang mga gumaling ngayon ay nasa .9,088 na gumaling.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.1% (175,324) ang aktibong kaso, 91.3% (2,240,599) na ang gumaling, at 1.52% (37,405) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 22, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site ng DOH: www.doh.gov.ph/covid19tracker.

The post DOH: 18,659 NA BAGONG KASO NG COVID-19 AT ZERO DEATH, NAITALA NGAYONG ARAW appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments