(Photo courtesy: PCG)
Patay na nang matagpuan ang isang crew na na-trap sa lumubog na pampasaherong barko kagabi, Biyernes, Sept. 24, sa Ormoc Port, Ormoc City, Leyte.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commodore Armand Balilo, nagsagawa ng docking maneuver ang RoRo na MV LITE FERRY 3 alas 11:30 kagabi nang biglang tumagilid at tuluyang lumubog.
Sakay ng pampasaherong barko ang 16 na crew.
Sa isinagawang search and rescue (SAR) operation ng PCG, ang 15 crew ay na-rescue habang isang crew ang namatay.
Kinilala ang biktima na si Raquel Alo na natagpuan ang bangkay sa ilalim ng ilang cargo na sakay ng barko. Agad na tinurn-over ang labi ni Alo sa Ormoc City Scene of the Crime Operatives (SOCO) para sa tamang disposisyon.
Ang mga nasagip naman ay dinala sa Ormoc City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) para sa atensyong medikal.
Pinayuhan naman ng PCG ang kapitan ng barko na maghain ng marine protest.
(Jocelyn Domenden)

The post ISANG CREW, PATAY MATAPOS MA-TRAP SA LUMUBOG NA BARKO SA ORMOC CITY appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments