DALAWANG CREW NG MV LADY OF GOOD VOYAGE, PATAY MATAPOS MA-SUFFOCATE

(Photo courtesy: PCG)

Patay ang dalawa sa apat na tripulante matapos ma-suffocate sa loob ng shaft room ng kanilang barko.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nakilala ang dalawang nasawi na sina Remil Sanico at Renato Sanico na kapwa crew ng MV Lady of Good Voyage.

Napag-alaman na patungong Cebu City ang barko nang masira ang propeller shaft ng barko dahilan para pasukin ito ng tubig dagat.

Pumasok ang nasabing mga crew sa shaft room upang bombahin ang tubig na naging dahilan kaya sila na-suffocate.

Agad namang rumesponde ang coast guard District Southwestern Mindanao makaraang matanggap ang ulat at dinala ang mga tripulante sa malapit na ospital subalit sina Remil at Renato ay hindi pinalad na makaligtas.

Ang dalawa pang tripulante  na sina Chief Engineer Anthony Napoles at Third Engineer Jerson Capuno ay patuloy na ginagamot sa  ospital.

Nakipagpulong na ang mga otoridad sa may-ari ng barko upang talakayin ang insidente  at para sa agarang aksyon at suporta sa mga nakaligtas at mga naulila ng mga nasawi.

(Jocelyn Domenden)

The post DALAWANG CREW NG MV LADY OF GOOD VOYAGE, PATAY MATAPOS MA-SUFFOCATE appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments