ABALOS: METRO MANILA, POSIBLENG ILAGAY SA ALERT LEVEL 3

(Photo Courtesy: Screengrab from PTV FB)

Posibleng ilagay sa mas mababang Alert level 3 ang Metro Manila, ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos.

“Sa basehan na nakikita natin ngayon, sana naman, tingin ko kaya na nating mag-alert level 3 by the end of the week. ‘Yun ang pinagtatrabahuhan nating lahat ngayon,” ayon pa kay MMDA Chairman Abalos.

Ang sinasabing basehan ni Abalos ay ang pagbaba ng COVID-19 reproduction rate o ang antas ng hawahan sa NCR.

“’Yung reproduction rate, ito mismo galing sa OCTA, from a high of 1.90 nung August 8, bumaba nun Sept. 4 ng 1.39, 1.03 nung Sept 22. Nakikita natin ‘yung pababa po nito,” dagdag ni Abalos.

Base pa sa pag-aanalisa sa datos ng OCTA, maging ang growth rate ay bumababa na rin.

“Maski ‘yung growth rate ng 1 week nag-negative na nga rin kaya maganda po ang indikasyon.
Sana po by the end of the  week pa mag-alert level 3 na po ang Metro Manila,” sabi pa ni Abalos.

“Ang nangyari po ngayon apat lang halos na negosyo ang bukas. Ang restaurants natin na may 10 percent sa loob at 30 percent sa outdoor, ating mga barberya, hair spa, nail salon at saka simbahan. Kung mag-a-alert level 3, halos lahat po 30 percent na ng capacity. Madadagdagan pa ang ating negosyo, ” pagtatapos ni Abalos.

Ang NCR ay nasa ilalim ng Alert level 4 hanggang sa September 30.

(Toni Tambong)

The post ABALOS: METRO MANILA, POSIBLENG ILAGAY SA ALERT LEVEL 3 appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments