EXECUTIVES NG KUMPANYANG NAKAKOPO NG P8.7-B KONTRATA PARA SA PANDEMIC SUPPLIES, WANTED SA TAIWAN

(Photo courtesy: (Malacanang Photo)

Pinaghahanap ng Taiwan Government sina Huang Wen Lie, Huang Tzu Yen  mga executives ng Pharmally International Holding Company at associate ni Micahel Yang  na dating economic adviser ng Pangulo, dahil sa financial crimes ayon kay Senator Risa Hontiveros ngayon Miyerkoles, September 1.

Ipinakita ni Senator Hontiveros sa press conference, ang news clips at screenshots mula sa Taiwan’s Ministry of Justice website kung paano sina Huang Wen Lie, ang kaniyang anak na si Huang Tzu Yen at business associate ni Yang na si Zheng Bingqiang ay wanted sa iba’t iba umanong financial crimes.

Si Huang Wen Lie, kilala rin bilang  Tony Huang ay wanted dahil sa securities fraud, embezzlement at stock manipulation.

Chairman  si  Huang Wen Lie ng Pharmally International Holding Company at kasama sa meeting ni Pangulong Duterte at Yang noong March 2017 sa Davao City.

Ang anak niyang si Huang Tzu Yen ay wanted din sa stock manipulation ayon kay Hontiveros  kung saan ipinakita ang screenshot mula sa Taiwan Ministry of Justice Investigation Bureau website.

Si Huang ay  co-owner ng Pharmally Pharmaceutical Corporation, ang kumpanyang nakakuha ng pinakamalaking kontrata ng pandemic supply mula sa admimistrasyong Duterte.

Ipinunto pa ni Hontiveros na si Huang ay wanted  sa Taiwan noon pang December 29, 2020, pero pinirmahan pa rin ng gobyerno ang purchase order sa kanilang kumpanya nito lamang June 2021.

Samantala, may arrest warrant naman si Zheng Bingqiang dahil bahagi sa Huang Wen Lie’s  stock manipulation scheme na base sa Taiwan’s investigation bureau website.

Si Zheng ay malapit na business associate ni Michael Yang na kinikilala sa Chinese news websites bilang presidente ng Fu De Sheng Group kung saan si Yang ang chairman.

“Bakit tayo nakikipag-negosyo sa mga taong may warrant of arrest pa nga sa ibang bansa?… Napunta ba sa isang embezzler, isang estafador ang COVID funds?, tanong ni Hontiveros.

Si Zheng ay kasama noong ipinasyal ni Yang si Pangulong Duterte sa Fu De Sheng’s office sa Xiamen, China noong 2015.

Kabilang din si Zheng noong March 2017 sa meeting nina Duterte at Yang, kasama ang Pharmally International Holding Company executives.

Nakuha ng kumpanya ang P8.7 billion halaga ng kontrata ng pandemic supplies.

Karamihan sa kontrata at purchase orders ay pinirmahan ni dating  budget undersecretary Lloyd Christopher Lao.

Pero, dinepensahan ni Pangulong Duterte sina Lao at Yang kung saan sinabi ng Pangulo na si Yang ang  entry point ng Chinese businessmen na inaasahang maglalagay ng mga  investment sa Pilipinas.

Hindi naman nabanggit ni Duterte kung naimpluewensiyahan ni Yang na dating economic adviser ng pangulo ang pagbibigay sa multi-billion contracts sa kumpanya na meron siyang kaugnayan.

Panawagan naman ni Hontiveros sa Pangulo na itigil na ang pagprotekta sa Chinese businessmen na nasasangkot sa mga anomalya.

Iniimbestigahan naman ngayon ng Senate blue ribbon committee ang paggastos ng gobyerno sa pandemic funds.

Sinabi pa ng Senador na ang mga investor ang dapat magpasok ng pera sa bansa.

Mga seryosong issue ito na dapat tumulong at hindi mag-evade at mag-obfuscate si Pangulong Duterte… Gusto natin ng investors, pero anong klaseng investors? Investors ba? Parang tayo pa ang nawalan ng pera eh, paliwanag ni Hontiveros.

Matatandaan naman na sinabi ng pangulo na walang nangyayari sa mga  imbestigasyon na ginagawa ng mga mambabatas.

Gagawa at gagawa kami ng paraan para singilin ang mga dapat managot…. Hindi kami Senado for nothing. Alam namin ang aming responsibilidad na gawin ang mga ito,”pahayag pa  Hontiveros.

Magbabalik ang imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee sa Martes, September 7.

The post EXECUTIVES NG KUMPANYANG NAKAKOPO NG P8.7-B KONTRATA PARA SA PANDEMIC SUPPLIES, WANTED SA TAIWAN appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments