14,216 NA BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA NGAYONG ARAW; KABUUANG KASO, LAMPAS NA SA 2 MILYON

Umabot na sa mahigit 2  milyon ang kabuuang kaso ng Covid-19 ngayong araw, September 1.

Ngayong araw din naitala ng Department of Health ang 14,216 na karagdagang kaso ng COVID-19 na nagdala sa kabuuang kaso na 2,003,955.

Mayroon namang naitalang 18,754 na gumaling at 86 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.0% (140,949) ang aktibong kaso, 91.3% (1,829,473) na ang gumaling, at 1.67% (33,533) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 30, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 0.8% sa lahat ng samples na na-test at 0.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Inaasahan pa rin ng DOH na maari pang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Kinumpirma na rin ng World Health Organization (WHO) ang pagkakaroon ng community transmission ng Delta variant sa bansa.

Ito na rin ang itinuturing na dominant variant ng Covid-19 sa bansa.

Kaya patuloy pa rin ang paalala ng mga otoridad na sumunod sa minimum public health standards, sunding mabuti ang PDITR strategies o ang Prevent, Detect, Isolate, Treatment at Reintegration at magpabakuna dahil ito pa rin ang pinakapabisang depensa laban sa COVID-19.

Mahalaga rin na tayo ay mag-isolate at makipag-ugnayan sa BHERTs kung may nararamdamang sintomas ng COVID-19.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site ng DOH: www.doh.gov.ph/covid19tracker.

The post 14,216 NA BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA NGAYONG ARAW; KABUUANG KASO, LAMPAS NA SA 2 MILYON appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments