POPE FRANCIS, ITINANGGING MAY PLANONG MAGBITIW BILANG SANTO PAPA

Itinanggi ni Pope Francis ang ulat ng kanyang pagbibitiw.

Pahayag ito ng Santo Papa sa isang radio interview broadcast nang lumabas sa isang pahayagan sa Italya hinggil sa kanya umanong pagbibitiw.

Sinabi ng Santo Papa na hindi niya alam kung saan nanggaling ang balita na siya ay magre-resign na.

Dagdag pa ni Pope Francis na hindi sumagi sa kanyang isipan ang pagbibitiw.

Sinabi rin niya ang posibleng pagdalo  sa  UN Climate Change Conference (COP26) sa Glasgow sa November.

Pinasalamatan naman ni Pope Framcis ang lalaking nurse sa Vatican na nagkumbinsi sa kanya para sumailalim sa surgery para alisin ang bahagi ng kanyang bituka sa halip na magpatuloy sa pag-inom ng antibiotics at iba pang medisina na siya namang sinang-ayunan ng iba pang doktor.

“He saved my life,” sambit ni  Pope Francis na nasa edad 84 na.

July 4 nang sumailalim sa operasyon si Pope Francis at namalagi ng 11 araw sa ospital.

Nagkaroon siya ng isang malubhang kaso ng symptomatic diverticular stenosis, isang pagsikip ng bituka kung saan tinanggalan siya ng 13 pulgadang bituka.

“Now I can eat everything, which was not possible before. I lead a totally normal life,” sinabi pa ng Santo Papa.

Katunayan inilahad pa ng Santo Papa ang kanyang  buong iskedyul, kasama ang isang paglalakbay sa Hungary at Slovakia sa  Setyembre 12-15 at pagbisita sa Cyprus, Greece at Malta  pati na rin ang pinaplanong pagdalo niya sa COP26.

Ang pahayagang Libero ay nag-ulat noong August 23 na mayroong isang lihim na pagpupulong sa Vatican  kung saan pumili ang mga kardinal ng isang bagong Papa kapag ang nanunungkulan ay namatay o magbitiw sa tungkulin.

(Jocelyn Domenden)

 

The post POPE FRANCIS, ITINANGGING MAY PLANONG MAGBITIW BILANG SANTO PAPA appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments