16,907 NA BAGONG KASO NG COVID-19 AT ZERO DEATH, NAITALA NGAYONG ARAW, SEPTEMBER 25

Halos abot sa 17,000 ang bagong kaso ng mga Covid-19 sa bansa ngayong araw, September 25.

Sa tala ng Department of Health, mayroong 16,907 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayon.

Kaya naman umakyat na sa 2,470,235 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Mayroon namang naitalang 27,120 na gumaling at 0 na pumanaw.

Ito na ang ikalawang magkasunod na araw na walang naitatalang bilang ng namatay sa Covid-19 dahil pa rin sa technical issues sa  sistema ng COVIDKaya ng DOH.

Nangangahulugan umano ito na asahan na ang mataas na bilang ng mga namatay sa mga darating na araw kapag naayos ang sistema ng DOH.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.7% (165,092) ang aktibong kaso, 91.8% (2,267,678) na ang gumaling, at 1.51% (37,405) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 23, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Samantala, sinabi ng Department of Health na unti-unti na nilang isasama sa bilang ng COVID-19 ang mga validated na positive results mula sa antigen test sa susunod na linggo.

“We will gradually include the positive results of antigen tests after we validate the reports we have received. Beginning next week, we will gradually include that in the tally,” ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“We will have a qualifier showing how many results were from RT-PCR and antigen tests in the reports that we will provide to the public,” sabi pa ni Vergeire.

Dahil dyan ay asahan na rin ang pagtaas ng daily cases ng COVID-19.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site ng DOH: www.doh.gov.ph/covid19tracker.

The post 16,907 NA BAGONG KASO NG COVID-19 AT ZERO DEATH, NAITALA NGAYONG ARAW, SEPTEMBER 25 appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments