DILG, PINAYUHAN ANG PUBLIKO NA MAGDALA PA RIN NG FACE SHIELD

Hinihikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko na magdala pa rin ng face shield para maging handa sa pagkakataong kinakailangan itong suotin.

Ito ay matapos na aprubahan ni Pangulong Duterte na pwede nang hindi isuot ang face shield outdoors.

Lilimitahan ang pagsusuot ng face shield sa sinasabing 3C, ang close, crowded spaces at close contact.

“Kailangang magdala po tayo kasi hindi natin alam kung saan tayo pupunta. For example, pauwi na tayo tapos sabihin natin bibili tayo ng gamot so hindi tayo papapasukin ng guard kung wala tayong face shield dahil magiging closed at crowded area yung pupuntahan natin,” giit ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya.

Ayon pa kay Malaya na nagpupulong na ang sub-technical working group at Department of Health para gumawa at isapubliko ang isang madaling maintindihan na guidelines sa pagsusuot ng face shield.

(Toni Tambong)

The post DILG, PINAYUHAN ANG PUBLIKO NA MAGDALA PA RIN NG FACE SHIELD appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments