Obra para sa kapistahan ng La Naval

(Photo: Dong del Mundo)

Bilang pagsisimula ng pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of the Most Holy Rosary-La Naval de Manila, nagpinta ang QC Parks Development and Administration Department (PDAD) ng Bayanihan artwork sa Welcome Rotonda.

Ang artwork ay may temang “Ina ng pag-asa, kagalingan, at pagkakaisa.”

Tampok sa obra and hindi matatawarang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang sama-samang malampasan ang Covid-19 pandemic.

Taun-taon ay nagpipinta ang PDAD sa poste ng Welcome Rotonda bilang pagsalubong sa kapistahan ng La Naval.

Mula 1973, ang Our Lady of La Naval de Manila ang patron saint ng Quezon City.

Ipinagdiriwang ang kapistahan ng La Naval de Manila  tuwing ikalawang Linggo ng October.

 

The post Obra para sa kapistahan ng La Naval appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments