Mahigit 5.5 milyon doses ng bakuna na donasyon ng Amerika, matatanggap ng Pilipinas sa susunod na linggo

(Photo courtesy: File Photo US Embassy in the Philippines FB)

Magpapadala ang Amerika ng mahigit 8 milyong COVID-19 vaccine doses sa Pilipinas at Bangladesh bilang pagtulong laban sa COVID-19.

Limang shipments na aabot sa 5,575,00 doses ng bakuna ang ipadadala sa Pilipinas sa susunod na linggo, ayon sa opisyal ng White House sa panayam ng AFP.

Ang donasyon na Pfizer-Biontech na bakuna ay ipadadala sa pamamagitan ng World Health Organization COVAX program.

“The administration understands that putting an end to this pandemic requires eliminating it around the world,” pahayag ng opisyal ng White Hoouse.

Nakapagtala naman ang bansa ng mahigit 2.5 milyon kaso ng mga tinamaan ng COVID-19 kung saan mahigit 38,000 na ang nasawi.

Sa ngayon wala pa sa kalahati ng target na 70 milyon populasyon ng bansa ang fully vaccinated dahil sa kakulangan ng suplay ng bakuna at mabagal na vaccination rollout.

 

The post Mahigit 5.5 milyon doses ng bakuna na donasyon ng Amerika, matatanggap ng Pilipinas sa susunod na linggo appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments