Higit 21M Pinoy, kumpletong bakunado na

(File Photo)

Mahigit sa 20 milyong Pinoy ang kumpletong nabakunahan na.

Ayon sa datos ng National COVID-19 Vaccination dashboard, hanggang nitong October 1 ay nasa 21,560,795 Pinoy ang kumpletong bakunado, habang nasa 24,389,958  indibidwal ang naturukan na ng first dose.

Umabot naman sa 45,950,753 doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok na sa buong bansa, ayon sa Task Force on Pandemic Response ng gobyerno hanggang kahapon, October 1.

Ang average daily doses naman ay naitala sa 355,222.

Sa October 15 ay sisimulan na ang pagbabakuna sa mga bata, ayon kay National Task Force (NTF) against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez, Jr.

Naglaan naman ang gobyerno ng 29 million doses para sa mga edad 12 hanggang 17.

Sa ngayon ay nasa 71,324,50 doses ng COVID-19 vaccine ang dumating na sa bansa.

(Toni Tambong)

The post Higit 21M Pinoy, kumpletong bakunado na appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments