YouTube, tatanggalin na ang mga video na kontra Covid-19 vaccines

Tatanggalin na ng You Tube ang lahat ng mga video na nagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa Covid-19 vaccines.

Sa polisiya ng Youtube, kasama sa termination o tatanggalin ay ang mga account ng YouTube influencers na kontra Covid-19 vaccines.

May ilan kasing nagpapakalat sa You Tube na delikado umano ang Covid-19 vaccines dahil posible itong magdulot ng cancer, autism o pagkabaog.

Una nang binatikos ang ilang tech giant dahil sa kakulangan nito ng aksyon laban sa false information ngayong pandemic.

Sa impormasyong ipinarating ng YouTube sa CNN Business, kinumpirma rin nito ang pagtanggal sa ilang  Youtube Channels ng mga kilalang “vaccine misinformation spreader .”

Sa ilalim ng bagong polisiya ay tatanggalin din ang post ng sinuman na laban o kontra sa mga bakunang naiturok na at aprubado naman ng mga local health authorities.

Ang mga nasabing post ay masasama sa strike policy ng You Tube at maaring tuluyang tanggalin.

The post YouTube, tatanggalin na ang mga video na kontra Covid-19 vaccines appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments