Kahit wala pang desisyon sa 2022 elections, hayagang tinabla ni Vice President Leni Robredo ang opsyon na pagtakbo sa Senado.
Sa interbyu ng bise presidente sa ABSCBN News Channel (ANC), tinanong siya kung bukas siya sa pagtakbo sa Senado.
Diretsya niyang tugon: “No, I’m not.”
“Tingin ko, hindi ‘yun ‘yung aking strength,” dagdag pa ni Robredo.
Sa kabilang banda, sinabi ni Robredo na mas pipiliin niyang tumakbo sa lokal na posisyon o magretiro na lang kung hindi tatakbo sa pagkapresidente.
“I can run for a local position, I can retire, I can just help the next administration if I don’t run for president,” giit ni Robredo.
“I still firmly believe that we need to talk beyond our usual circles. Yung paniniwala ko pa din is to go into 2022 with a united front,” paliwanag pa ng bise presidente kasabay ng pagsiwalat na nakikipagmeeting siya sa iba’t ibang grupo para magkaroon ng pagkakaisa sa darating na eleksyon.
“Hindi ko naman tinitingnan yung sarili ko na savior. I have always kept myself close to the ground. Kaya sa akin, alam ko na hindi kaya ng very best of intentions. Sa akin, parati akong nakikinig sa pakiramdam ng maraming tao,” pahayag pa ni Robredo.
(Toni Tambong)
The post VP LENI ROBREDO, MAS GUSTONG TUMAKBO SA LOKAL NA POSISYON KAYSA SENADO appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments