Nakarekober na si Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan matapos na magka-COVID-19.
Inanunsyo ito ng alkalde nitong Linggo, September 5.
“Nais kong ibahagi sa inyo ang magandang balita na ako ay nag-negatibo na sa COVID-19 at tapos na rin ang aking quarantine period,” pahayag ni Malapitan.
Nagpasalamat naman ang alkalde sa lahat ng mga tumulong at nagdasal para sa kanyang paggaling.
“Higit sa lahat, ang aking pasasalamat sa Panginoong Maykapal dahil hindi Niya ako pinabayaan bagkus ay pinagaling ako laban sa sakit na ito,” dagdag pa ni Malapitan.
Hinikayat naman ng alcalde ang publiko na magpabakuna na partikular ang mga senior citizen tulad niya.
“Napakalaking tulong na ako ay fully-vaccinated ng AstraZeneca kahit ako ay tinamaan ng sakit. Hindi ako nakaranas ng malalang COVID-19 dahil may proteksyon ako ng bakuna.”
(Toni Tambong)
The post CALOOCAN MAYOR OSCAR MALAPITAN, GUMALING NA SA COVID-19 appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments