RESIDENTE SA ORMOC CITY, INILIKAS NG PCG DAHIL SA BAGYONG JOLINA

(Photo courtesy: PCG)

Inilikas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PGC) ang mga residente sa Sitio Owak, Barangay San Isidro, Ormoc City, Leyte .

Ayon sa ulat ng PCG, 60 residente ang maingat na inilikas ng PCG  District Eastern Visayas kasunod ng mabilis na pagtaas ng baha dulot ng #JolinaPH ngayong September 7.

Kabilang sa mga inilikas ang 28 bata na dinala sa San Isidro Elementary School bilang pansamantalang evacuation center.

Tuluy-tuloy naman ang pagbibigay ng tulong ng PCG sa mga apektadong residente dahil sa bagyo.

Samantala, stranded ngayon ang 1,853 pasahero, drivers at cargo sa mga pantalan sa Bicol at Eastern Visayas.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard, stranded  din ang 13 barko at 615 rolling cargoes habang ang 18 pang sasakyang pandagat ay nagkubli muna sa ligtas na lugar dahil sa bagyo.

Partikular na naantala ang kanilang biyahe sa  Eastern Visayas at Bicol region.

Ang mga apektadong pantalan sa Eastern Visayas:

– Port of Sta. Clara
– Port of Balwarteco
– Port of Dapdap
– Liloan Port Ferry Terminal
– Port of San Ricardo

Sa Bicol region naman ay ang mga sumusunod:

– Port of Pioduran
– Port of Virac
– Port of San Andres
– Masbate City Port
– Cataingan Port
– Matnog Port
– Bulan Port
– Pilar Port

(Jocelyn Domenden)

The post RESIDENTE SA ORMOC CITY, INILIKAS NG PCG DAHIL SA BAGYONG JOLINA appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments