(File photo courtesy: PNA)
Ang mga nasa kindergarten hanggang grade 3 student ang magiging kabilang sa isasagawang pilot testing ng face to face classes, ayon sa Department of Education (DepEd).
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na hindi naman buong eskwelahan ang isasabak sa praktis ng pisikal na klase sa mga eskwelahan.
“Dahil sa rekomendasyon ng DOH at medical experts na ating kinonsulta ay mag-focus lamang po tayo doon sa first key stage, ‘yung kindergarten,” sabi ni Malaluan.
Dagdag pa ni Malaluan, nasa 12 estudyante sa kindergarten at hindi hihigit sa 16 naman sa grade 1 hanggang grade 3 ang papapasukin sa mga eskwelahan.
Tatagal din ang klase sa loob lang ng tatlong oras, dagdag pa ng opisyal.
“[The] activities in school are mainly reinforcing activities to what will still be predominantly distance learning,” sabi pa ni Malaluan.
Ayon pa sa report, nasa 120 public at private schools ang target na pabuksan sa gagawing pilot test ng face to face classes.
Pero ang lahat ng panukalang ito ay dedesisyunan pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, ayon sa Malakanyang, posibleng payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposed pilot test sa 120 paaralan.
“Ang initial reaction ng Presidente, kung talagang pilot at sa mga areas na mababa talaga ang kaso [ng COVID-19], he may allow it,” sabi ni spokesman Harry Roque.
“Pero dapat pilot muna in areas na mababa talaga ang kaso, just so that we could… see if it works, if it can be implemented in other areas.”
Sinabi pa ni Roque na ang pagsasagawa ng face-to-face classes ay naging “ceased to be a purely education issue.”
“It is a multi-disciplinary issue now involving the health department because of impact on children’s mental well-being and their socialization skills,” saad pa rito.
Itinuturing na rin ng gobyerno na ito ay isang ‘economic problem’ dahil sa nahaharap ang bansa sa henerasyon na resulta ng hybrid learning.
Magsisimula naman ang blended learning sa School Year 2021-2022 sa September 13.
(Toni Tambong)
The post KINDER HANGGANG GRADE 3, MAGPAPA-PRAKTIS NG FACE TO FACE CLASSES appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments