PDP-LABAN CUSI WING, INIHAYAG ANG OPISYAL NA MGA KANDIDATO SA 2022 ELECTION

(Photo courtesy: Senator Bong Go FB)

Pormal nang inihahayag ng PDP-Laban paksyon na pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang opisyal na nominasyon sa tandem nina Senator Bong Go at Pangulong Rodrigo Duterte para sa 2022 elections.

Idinaos ng paksyon ang kanilang national convention para opisyal na sabihin ang kanilang presidential, vice presidential, at senatorial bets.

Tinanggap ni Pangulong Duterte ang nominasyon bilang bise, habang tinanggihan naman ni Go ang endorsement na maging standard bearer ng partido.

Ayon kay Go, nais niyang pagtuunan ng pansin ang kaniyang trabaho sa Senado.

Si Go ang chairman ng  Senate health committee.

Nauna nang sinabi ni Go na kaniyang tinanggihan ang nominasyon at sana irespeto ng partido ang kaniyang desisyon.

“Inuulit ko, hindi po ako interesadong tumakbo sa pagkapangulo sa darating na halalan.… Unahin ‘nyo na lang po ang may gusto,” pahayag ni Go.

Sa kabila ng pagtanggi ng Senador, patuloy ang mga opisyal ng PDP-Laban na kumbinsihin si Go na tumakbo at hihintayin ang kaniyang desisyon hanggang sa huli.

“Anything can happen between now and October 1. Even up to the last minute [of certificate of candidacy filing] on October 8,” pahayag ni PDP-Laban executive president and Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Sinabi naman ng Pangulo sa kaniyang speech sa naganap na national convention, siya ay tumatakbo bilang pangalawang pangulo dahil sa kaniyang pag-ibig sa bayan.

“Is it ambition? Maybe. Is it a sense of love of country? Yes. Is it really because I want to see the continuity of my efforts even though I may not be the one giving the directions? Baka makatulong lang ako. Alam ‘nyo na ang problema: droga pa rin, terorismo, nandiyan NPA,” saad ng Pangulong Duterte.

Inihayag din ng Cusi faction ang kanilang inisyal na Senate lineup:

Labor Secretary Silvestre Bello III
Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo
Transportation Secretary Arthur Tugade
Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez
Presidential Spokesperson Harry Roque
Public Works and Highways Secretary Mark Villar
Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Greco Belgica
House Deputy Speaker Rodante Marcoleta

Samantala, hihintayin ng grupo ang desisyon ng Commission on Elections kung kaninong kampo ang lehitimong PDP-Laban.

Ang paksyon nina Senador Manny Pacquiao at Aquilino Pimentel III, wala pang inihahayag kung sino ang kanilang kandidato.

The post PDP-LABAN CUSI WING, INIHAYAG ANG OPISYAL NA MGA KANDIDATO SA 2022 ELECTION appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments