Inaprubhan na ng panel of experts ng pamahalaan ang planong pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga bata edad 12 hanggang 17 taong gulang.
Ito ang sinabi ng Department of Health noong Linggo, September 19.
Kahit naaprubahan na ay hindi pa sigurado kung kailan ito maaaring simulan dahil inaalam pa kung kailan ang tamang panahon at kung sino ang mga pwedeng unahin.
“As a general policy, pumayag na ang all experts panel na magbakuna sa 12 to 17…yung time lang na kailan puwede at sino ang unahin,” pahayag ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa panayam sa DZBB.
“Inaayos pa ang polisiya at guidelines. Dapat umpisahan ang pagbabakuna sa mga batang may comorbidities,” dagdag pa ni Cabotaje.
Kailangan din umano na may consent mula sa magulang ng bata bago magpabakuna.
Dapat ay kusang-loob din ng bata na magpabakuna kontra COVID-19.
Sa ngayon ay patuloy pang pinag-aaralan ng mga eksperto ang posibleng side effects ng COVID-19 vaccine sa mga bata.
(Toni Tambong)
The post PAGBABAKUNA SA 12-17 YEARS OLD, APRUB NA SA PILIPINAS; PERO WALA PANG PETSA KUNG KAILAN ITO MAGSISIMULA appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments