(Photo courtesy: PNA)
Hindi dapat gamitin ang granular lockdown upang hindi makaboto ang mga tao at magkaroon ng failure of election, ayon sa tweet ni Comelec Spokeperson James Jimez.
“The 2022 national and local elections won’t be postponed or canceled,” pahayag ni Jimenez.
“There is no way of framing or asking that question that will make it reasonable or give you a different response,” dagdag pa ng Comelec spokeperson.
Nauna nang nagbabala si Jimenez laban sa paggamit ng health emergency bilang rason para mabigo ang election.
Matatandaan na si Pampanga Representative Mikey Arroyo ay hinimok ang Comelec na ikonsiderang ipagpaliban na muna ang 2022 national polls dahil ang mga botante ay takot sa COVID-19 pandemic.
Sinabi naman ni Romulo Macalintal, isang prominenteng election lawyer na ang pandemic ay isang malaking hamon para sa Comelec na masiguro na ang mga nasa kapangyarihan ay hindi mapagsamantalahan ang sitwasyon.
Ayon naman sa Comelec, hindi rin itutulak na makaboto ang mga botante na positibo sa COVID-19.
(Jocelyn Domenden)
The post COMELEC: GRANULAR LOCKDOWN HUWAG GAMITIN PARA HINDI MAKABOT ANG O MGA TAO appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments