OSCAR DE LA HOYA, UMATRAS SA LABAN MATAPOS MAGPOSITIBO SA COVID-19

(Photo Courtesy: Oscar dela Hoya IG)

Umatras na sa laban versus UFC champ Vitor Belfort ang boksingerong si Oscar De la Hoya matapos maospital dahil sa Covid-19.

Nakatakda ang sana’y comeback fight ni De La Hoya sa September 11, pero hindi na ito matutuloy dahil naospital ang boksingero matapos magpositibo sa Covid-19 kahit pa fully vaccinated na siya.

Sinabi ni De la Hoya ang kanyang pag-atras sa laban sa kanyang instagram post habang nasa ospital.

“What are the chances of me getting COVID? I’ve been taking care of myself and this really, really kicked my ass.” sabi ni De La Hoya sa video.

Ang kanyang laban sana ngayong September 11  kay Belfort ang magsisilbing comeback niya sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 2008.

Huling lumaban sa boxing ring si De La Hoya noong December 2008, kung saan tinalo siya ni Manny Pacquiao.

Samantala, nagpasalamat pa rin si De La Hoya sa kanyang fans para sa patuloy na suporta sa kanya.

Magpapagaling lamang daw siya ay aasikasuhing muli ang comeback bago magtapos ang taon.

Si dating heavyweight champion Evander Holyfield naman ang naiulat na lalaban kay Belfort.

The post OSCAR DE LA HOYA, UMATRAS SA LABAN MATAPOS MAGPOSITIBO SA COVID-19 appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments