DOH: MGA BINILING AMBULANSIYA SUMAILALIM SA COMPETITIVE BIDDING

(Photo courtesy: PNA)

Ipinaliwanag ng Department of Health na sinunod nila ang licensing standards sa pag-procure ng ambulansya  at sumailalim ito sa competetive bidding upang makakuha ng mas mababang presyo.

Ang pahayag ng DOH ay tugon sa alegasyon na overpriced  ang nabiling ambulansya ng ahensya.

“We will be able to shed light on the issue once we see the specific documents. Ang masasabi ko lang ay nagprocure ang mga implementing units nang naaayon sa batas,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Paliwanag  pa ng DOH ang biniling ambulansya ay Type 1, nilagyan ng mga gamit sa Basic Life Support (BLS) tulad ng mga defibrillator, laryngoscope na may 3 blade sizes, mga suction machine, immobilization device, at kagamitan sa komunikasyon na naayon sa ilalim ng pamantayan sa paglilisensya na nakalagay sa Administrative Order 2018-0001.

Kasama rin sa nakuhang ambulansya ang vehicle insurance, LTO registration, at orientation at pagsasanay ng mga end-user sa paggamit at pangangalaga ng ambulansya at kagamitan.

Giit ng ahensya, mananatili silang tapat sa kanilang pangako na panatilihin ang transparency sa mga transaksyon at sinabi na ang lahat ng mga nauugnay na dokumento ng pagkuha ay isinapubliko sa kanilang website.

“Tayo po sa DOH ay mananatiling bukas ang pinto sa mga inquiries na ito bilang parte ng checks and balances sa gobyerno. Sa pagprocure ng mga ambulansya, ang hangarin lang po namin ay magbigay ng mas mabuting serbisyo sa ating mga kababayan  lalo na sa panahon ng kanilang pangangailangan,” said Secretary Duque.

(Jocelyn Domenden)

The post DOH: MGA BINILING AMBULANSIYA SUMAILALIM SA COMPETITIVE BIDDING appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments