Ilalabas na ng vaccine experts ang desisyon tungkol sa booster shot sa susunod na linggo.
Ito ang sinabi ng Vaccine Expert Panel (VEP) ng Department of Science and Technology tungkol sa paggamit ng booster shot ng COVID-19 vaccine.
“By next week baka meron na tayong maging desisyon diyan. Tuloy-tuloy naman yung aming pag-uusap pero maraming kino-consider,” ayon kay Dr. Nina Gloriani ng VEP sa isang radio interview.
Siniguro naman ni Gloriani na kapag papayagan ang booster shot ay ipaprayoridad pa rin ang health workers.
Nauna nang sinabi ni Secretary Carlito Galvez Jr. na nakikipagnegosasyon na sila sa apat na manufacturer ng bakuna para sa posibleng pagbili ng booster shot.
Samantala, una nang sinabi ng Department of Health na kailangan pa ring pag-aralan ang equity component ng mga bakuna bago ang pagtuturok ng booster shots.
Sinabi pa ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi pa rin sapat ang bakuna para sa booster shots bukod sa patuloy pa rin itong pinag-aaralan ng mga eksperto.
(Toni Tambong)
The post DESISYON TUNGKOL SA BOOSTER SHOT, ISASAPUBLIKO NG VACCINE EXPERT SA SUSUNOD NA LINGGO appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments