(Photo Courtesy: Screengrab from Senate PRIB)
Nag-aalala ang mga senador matapos sabihing hindi na makontak ang Pharmally Pharmaceutical Corp. executive na si Krizle Grace Mago matapos niyang tumestigo laban sa sariling kumpanya.
Si Mago ang isa sa opisyal ng Pharmally na humarap sa hearing ng senado at nagsabing na-swindle o naloko ng Pharmally ang gobyerno pagkatapos nilang magbenta ng mga “damaged” o sirang medical-grade face shields na may bogus na production dates.
“We cannot contact her,” sabi ni senator Richard Gordon sa Inquirer noong Sabado ng gabi.
“We are concerned something might have happened to her.”
Kasunod ng pag-amin ni Mago sa hearing noong Biyernes sa Senate Blue Ribbon committee na pinangungunahan ni Gordon, sinabi nina Senador Francis Pangilinan at Risa Hontiveros na ilagay si Mago sa ilalim ng Senate protection.
Pero hiniling umano ni Mago na pag-isipan muna ito.
“I’m also an employee of Pharmally, so I have to consider both sides,” sabi ni Mago matapos ang mungkahi ng dalawang senador sa panukalang senate protection.
Si Mago ay isa sa incorporators ng undercapitalized trading company, na itinayo lamang noong September 2019, at nagsilbing head ng regulatory affairs nito.
Ang Pharmally ay mayroong paid up capital na P625,000 lamang pero nabigyan ng kontrata ng gobyerno na nagkakahalaga ng P11.7 billion sa ilalim ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).
Ito ang magsu-supply sa Department of Health (DOH) ng mga face masks at face shields, personal protective equipment (PPE) at COVID-19 testing kits.
Ito ngayon ang sentro ng imbestigasyon ng senado dahil na rin sa umano ay iligal na paglipat ng aabot sa P42 billion na pandemic funds mula sa DOH papuntang PS-DBM, na siyang nakipag-usap para sa kontrata ng medical supplies sa Pharmally at iba pang kumpanya.
Sa ika-siyam na hearing sa senado noong Biyernes, ipinagtapat ni Mago na inutusan niya ang kanilang tauhan sa warehouse na palitan ang mga 2020 production date sa 2021 sa certification documents ng mga face shield pata lumanas na na-produce o nagawa ang mga ito ngayong taon lamang.
‘That is something I cannot deny,” sabi ni Mago sa mga senador kung saan kinukpirma ang testimonya ng isang warehouse worker na tungkol sa tampered, damaged ay soiled face masks na idinelivet sa DOH para gamitin ng mga doctor at nurse sa pakikibaka sa Covid-19.
Nagprisinta naman si senador Risa Hontiveros ng testigo na isang warehouse worker.
Sinabi ng hindi pinangalanang testigo na dinoktor nila ang mga production date ng mga nasabing safety gear mula sa Pharmally.
Ipinakita rin ni Hontiveros ang palitan ng text messages sa pagitan nina Mago at ng dating PS-DBM employee habang naghi-hearing.
Doon ibinunyag ng Pharmally executive na magdeliver ito ng 2 million surgical masks noong March nang nakaraang taon bago pa man mapagkasunduan ang presyo nito.
Nagdeliver din ng dagdag na mahigit 500,000 noong April 6, 2020, bago pa man pirmahan ang unang deal sa PS-DBM.
Nabunyag pa rin sa hearing noong Biyernes na si Mago umano ang nag-utos na i-tamper ang mga faceshield base na rin sa utos ni Mohit Dargani, ang Pharmally corporate secretary at treasurer.
Itinaggi naman ito ni Dargani, pero pinanindigan ni Mago ang testimonya at handa umano siyang makipag-cooperate sa imbestigasyon kaya naimungkahing ilagay siya sa Senate protective custody.
Pero mula noong Biyernes ay hindi na makontak si Mago at hindi na rin siya kumontak sa mga senador kung siya ay pumapayag na ilagay sa proteksyon ng senado.
Samantala, inutusan na rin ni Senate President Vicente Sotto III ang Senate Sergeant -at-Arms na hanapin si Mago.
The post OPISYAL NG PHARMALLY NA SI KRIZLE MAGO, HINDI NA MAKONTAK PAGKATAPOS TUMESTIGO LABAN SA SARILING KUMPANYA appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments