Inaasahan na naman ang panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ang sinabi ng isang kilalang kumpanya ng langis kung saan sa pagitan ng September 7 hanggang 13 ay may napipinto na namang taas presyo.
Posibleng P1.10 ang dagdag sa kada litro ng diesel at 40 hanggang 50 sentimo kada litro ng gasolina.
Nagtaas nitong lamang August 31 ang ilang kumpanya ng langis na nasa 25 sentimo hanggang 40 sentimo kada litro para sa gasolina, 60 sentimo sa kada litro ng diesel at 70 sentimo sa kada litro ng kerosene.
(Toni Tambong)
The post OIL PRICE HIKE NA NAMAN SA DARATING NA LINGGO appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments