(Photo: Dong del Mundo)
Pasado na sa third reading ng Sangguniang Panlungsod ng Quezon City ang No Contact Apprehension Program ngayon araw, Miyerkoles, September 8.
Layon nito na disiplinahin ang mga motorista at sumunod sa batas-trapiko.
Tutol sa nasabing programa ang mga PUV operators at ilang grupo ng motorista.
Dahil dito, nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa mga PUV operator at mga kinatawan mula sa PISTON, Laban TNVS, Defend Job Phils., MMTOA para pakinggan ang kanilang mga hinaing at sentimyento ukol sa No Contact Apprehension Program
Sa ilalim ng NCAP, maglalagay ng mga camera sa 15 pangunahing kalsada sa QC para ma-monitor ang mga lalabag sa batas-trapiko.
Hindi pesonal na titiketan ng traffic enforcers ang mga violator at sa halip ay ipapadala na lamang ang Notice of Violation sa kanilang bahay.
Dahil mas kakaunti ang mga traffic enforcer sa kalsada, ang matitipid na pondo ay maaaring ilaan sa iba pang social services ng lungsod.
Narito ang mga uri ng violation na maaaring pagmultahin sa ilalim ng NCAP:
- Disobedience to Traffic Control Signs and Signals
- Obstructing Pedestrian Lanes
- Counter Flow Driving
- Reckless Driving
- Driving an Unregistered Motor Vehicle
- Improper Use, Attachment, Posting, or Display of Plate Numbers, Stickers, Tags, and IDs
- Distracted Driving
- Driving or Riding a Motorcycle without using a Safety Helmet
- Non-Use of Seatbelts
Magkakaroon ng 30-day trial period ang NCAP upang malaman kung ano pa ang maaaring mapabuti sa programa mula sa makukuhang datos.
Idinulog naman ng PISTON ang ilang isyu tulad ng illegal terminals, mataas na upa sa terminal at tulong pangkabuhayan sa mga tsuper.
Iginiit ni Mayor Belmonte na hindi dapat maging dahilan ang pandemya sa pagpapairal ng disiplina sa kalsada.
Dagdag pa ng alkalde na handang makinig at bukas ang pamahalaang lungsod sa mga suhestiyon na makatutulong upang mapaunlad pa ang mga programa para sa QCitizens.
(Dong del Mundo)
The post MGA GRUPONG TUTOL SA NO CONTACT APPREHENSION PROGRAM NG QUEZON CITY, NAGLABAS NG HINAING KAY MAYOR BELMONTE appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments