METRO MANILA, MANANATILI SA MECQ HANGGANG SEPTEMBER 15

Mananatili sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ ang Metro Manila hanggang sa September 15.

Binawi kanina ng Malakanyang ang naunang pahayag nito na ibaba sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila dahil pa rin sa mataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 nitong mga nakaraang araw.

Kahapon, September 6 ay nakapagtala ang Department of Health ng 22,415 na kaso ng Covid-19, ang pinakamataas na bilang ng mga kaso mula noong magka-pandemya.

Kasabay nito, hindi muna ipatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang  implementasyon ng granular lockdowns kung saan ipatutupad ang Alert Levels System sa National Capital Region (NCR).

“The Inter-Agency Task Force (IATF) deferred the pilot implementation of the General Community Quarantine (GCQ) with Alert Levels System in the National Capital Region (NCR),” ayon sa pahayag ng  IATF at ni presidential spokesperson Harry Roque.

Ibig sabihin, mananatiling bawal ang indoor at al-fresco dine-in services at personal care services kabilang na ang beauty salons, beauty parlors at nail spas.

Ang mga religious services ay papayagan sa pamamagitan ng online video recording at transmission.

Pagdating naman sa necrological services, lamay, inurnment at funerals ay papayagan naman ang pagsasagawa nito hangga’t ang mga immediate family member ang dadalo kapag hindi COVID -19 ang dahilan ng pagkamatay.

(Toni Tambong)

The post METRO MANILA, MANANATILI SA MECQ HANGGANG SEPTEMBER 15 appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments