18,012 COVID-19 CASES, BAGONG KASONG NAITALA NGAYONG ARAW; 11 REHIYON SA BANSA, HIGH-RISK PA RIN SA COVID-19

Mula sa pinakamataas na kaso ng Covid-19 kahapon na mahigt sa 22,000, bumaba  naman sa mahigit apat na libo ang kaso ngayong araw.

Base sa datos ng Department of Health,  nakapagtala ito  ng 18,012 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong September 7.

Kaya naman umakyat na sa 2,121, 308 ang kabuuang kaso ng Covid-19 ngayon.

Mayroon namang naitalang 18,945 na gumaling at 161 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.5% (158,637) ang aktibong kaso, 90.9% (1,928,173) na ang gumaling, at 1.63% (34,498) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 5, 2021 habang mayroong 13 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw.

Ang kontribusyon ng 13 laboratoryong  ito ay humigit kumulang 3.6% sa lahat ng samples na naeksamin  at 3.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19.

Kaya namag pinapayuhan ang publiko na sumunod sa minimum public health standards, mas pinaigting na pagsasagawa ng PDITR strategies at pagbabakuna na siyang nanatiling pinakamabisang depensa laban sa  COVID-19.

Mahalaga rin na tayo ay mag-isolate at makipag-ugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19.

Ang maagang konsultasyon at pagpapa-test ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.

Samantala, nasa 11 rehiyon pa rin sa  bansa ang itinuturing na high-risk sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).

Kabilang dito ang: National Capital Region (NCR), Calabarzon, Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Northern Mindanao, Ilocos Region, Davao Region, Caraga, Western Visayas, at Soccsksargen.

“We would like to flag NCR, 4A, 2, CAR, 3, 10 1, 11, Caraga, 6 and 12 with high risk case classification based on its moderate risk two week growth rate and high risk average daily attack rate,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang online press briefing.

Dagdag pa ni Vergeire na sa kabila nang pagbagal ng hawaan ng COVID-19 sa capital region at iba pang rehiyon ay nananatili namang “high risk” pa rin ang health systems capacity ng mga ito.

Sa kabilang banda, lahat naman ng syudad sa NCR maliban sa Maynila ay pasok sa Alert Level 4.

Ibig sabihin ng Alert Level 4 na ang risk classification para sa COVID-19 ay “moderate to critical” habang ang healthcare utilization rate ay higit sa 70 percent.

“All areas except the City of Manila are classified as Alert Level 4.

The Delta variant had been detected across all areas in the NCR,” ani Vergeire.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site ng DOH: www.doh.gov.ph/covid19tracker.

May be an image of 1 person, standing and text

The post 18,012 COVID-19 CASES, BAGONG KASONG NAITALA NGAYONG ARAW; 11 REHIYON SA BANSA, HIGH-RISK PA RIN SA COVID-19 appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments