LIMANG LUGAR SA ANTIPOLO ISINAILALIM SA GRANULAR LOCKDOWN

(Photo courtesy: Antipolo City Bulletin Board FB)

Isinailalim sa granular lockdown ang limang lugar sa Antipolo City dahil sa pagtaas ng COVID-19 sa mga residente.

Inanunsyo mismo ni Mayor Andrea Ynares na isasailalim sa 14-day granular lockdown ang limang lugar ng lungsod.

Kabilang dito ang Forest Hills, Barangay Inarawan, isang compound sa Paseo de Paz sa ABA Homes, isang apartment building sa Ursula Street sa Milagros Subdivision sa Barangay Dalig at Samba Homes sa Barangay San Luis.

Sinabi naman ni Ynares na isasailalim ang mga residente at naging close contacts sa swab test at kapag marami ang nagpositibo ay madaragdagan pa ang mga lugar na ilalagay sa lockdown.

Tiniyak naman ng LGU na makatatanggap ng food packs ang mga residenteng naka-lockdown.

Nakapagtala naman ng 726 na aktibong kaso ang Antipolo hanggang nitong August 30.

(Toni Tambong)

 

The post LIMANG LUGAR SA ANTIPOLO ISINAILALIM SA GRANULAR LOCKDOWN appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments